M/V RP
M/V RP
Itong M/V RP tila palubog na,
Daming sakay rito,nagsisilayas na.
Merong nagbabalak,tumalon sa iba,
Tumuntong sa lupa ng mga banyaga.
Ang kawawang barko na merong kapitan,
Na isang babae na nahihirapan.
Dagdag pa nga rito ang "crab" na isipan,
Nang nakapalibot na mga gahaman.
Hindi maigiya nang tamang paraan,
Majority kasi ay pabigat lamang.
Imbes na tumulong umusad ang bayan,
Sariling interes ang tunay na hadlang.
Mga pulitiko ang talagang ganid,
Maglingkod sa bayan di bukal sa dibdib.
Manghuthot ng 'dugo' ni Juan ang ibig,
Kaya nararapat ,sa apoy ibulid.
Kaya tingnan naman ang kinalagakan,
Ng mahal na bayang ating sinilangan,
Kung sa panahong ito,si Rizal namuhay,
Malamang nauna ,pa siyang maglakbay.
Ang tingin ko tuloy, sa nangakaupo,
Karamihan diyan ,kampon ng demonyo.
Mabibilang lamang,yaong matitino,
Hindi nai-involve sa anumang gulo.
Puro dakdak dito,at kabi-kabila,
Laging nasa TV,papogi sa media,
Ang mga sasakyan,sobra ang gagara,
Katas ng corruption,kapal 'muks' talaga!
Salitang 'konsensya',dedma sa kanila,
Wala sila nito,pag puno ang bulsa.
Magagarbong bahay,maraming asawa,
Ganyang mga tao,ma-karma na sana!
Sino nga ba namang pasahero ng 'ship'?
Ang di magtatanong,magdalawang isip?
Pag ganyang nilalang,kunwa'y serving public,
Maitim ang puso,kapos sa pag-ibig !
Di ko masisisi ,kababayan natin,
Kung sila ay depressed sa mga happening,
Mababang pasahod,mahal ang bilihin,
Laganap ang krimen sa ating lupain.
Kawalang pag-asa,nakini-kinita,
Pag hindi magbago, ang ekonomiya,
Pagpalit ng tao sa poder,di tama,
Ganid na ugali,ang dapat mawala !
May takot sa Diyos,may tapang ng loob,
Hindi umiiral,pusong mapag-imbot,
hindi padadala sa dami ng sutsot,
Ganyang mga lider,dapat nakaluklok !
Kailan nga kaya, itong M/V RP natin,
Tama ang direksyong,kanyang tatahakin?
Lulang pasahero,di na iisipin,
Iwanan ang "barko", iba ang ariin ?
original ni:abet silvanoabetsilvano@yahoo.com
